“mapanagutan”

Ang salitang “mapanagutan” ay tumutukoy sa isang taong handang panindigan ang tungkulin nakaatang o ipinagkaloob sa kanya. May kahandaan din ang taong ito na kung sakaling magkamali ay tumanggap ng kaparusahan sa kanyang mga pagkakasala o pagkukulang na nagawa, sa pagtupad nang tungkulin.

Ang isang mapanagutang tao ay nag-iisip bago kumilos. Ito ay hindi upang pabutihin o pagandahin ang kanyang imahe, kundi tinitiyak niyang angkop at makabubuti sa higit na nakararami ang kanyang pagsisilbi.

Hindi sapat na mabait at mabuting tao ang isang lider o pinuno. Higit na kailangan ang husay, kasanayan at katapatan sa tungkulin. Sapagkat anuman ang ganda ng motibo ng isang pinuno, kung hindi naman angkop ang kanyang solusyon sa problemang kanyang kailangang malutas, mabibigo siyang pabutihin ang kalalagayan ng kanyang dapat paglingkuran.

Ang kabutihan ng lumikha ng Kalikasan ay mamasdan sa Kanyang mga nilikha: ang hangin, ang luntiang halaman, ang tubig at lupa … ang lahat na nilikha Niya upang masuportahan pananatili nang buhay. Nagpapatunay ang lahat ng Kanyang nilikha sa Kanyang mapanagutang pag-iisip, at pagkilos.

Published by babaengtagamalolosblog

Isa akong Filipinong Manunulat. Isang babae, Bulakenya. Isa akong Pilipino, makakalikasan, makatao't maka-Diyos.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started