Ang salita ay pangngalang tumutukoy o itinatawag sa taong hindi marunong masiyahan sa mga bagay na nasa kanya na; naghahangad at pinipilit niyang makuha ang mga bagay sa nasa ibang tao na. Walang hinahangad ang mga gahaman kundi makalamang sa kapwa; gagawin nilang lahat upang manatili sa kapangyarihan at/o impluwensya, nang sa ganoon ay makamkam ang pinakamalawak na maaari nilang makuha : materyal na bagay, pagsunod ng mga tao at kasikatan.
Pangungusap:
Sapagkat KATOTOHANAN ang MAGPAPALAYA sa BAYAN, binabaligtad ng mga GAHAMAN ang totoo upang mapanatili ang paniniwala sa kanila ng mga mamamayan kahit sa pamamagitan nang pandaraya.
